Pages

WHERE DO YOU WANT TO GO?

Pinoy Na Pinoy : Lupang Hinirang at Panatang Makabayan

Dahil ngayon ay araw ng ating watawat, hayaan nyo muna akong maging nationalistic at ipagmalaki na ako ay isang Pilipino. Ayon sa kaibigan nating si Wikipedia, R.A. 8491 states that Lupang Hinirang "shall always be sung in the national language" regardless if performed inside or outside the Philippines, and specifies that the singing must be done with fervor. Also, it prohibits its playing or singing for mere recreation, amusement, or entertainment except during the following occasions:
  1. International competitions where the Philippines is the host or has a representative;
  2. Local competitions;
  3. During the "signing off" and "signing on" of radio broadcasting and television stations; and
  4. Before the initial and last screening of films and before the opening of theater performances.
LULPANG HINIRANG Bayang magiliw Perlas ng Silanganan, Alab ng puso Sa dibdib mo'y buhay. Lupang hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, 'Di ka pasisiil. Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula at awit Sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya Kailan pa ma'y 'di magdidilim. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo; Aming ligaya, na 'pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil sa 'yo.
Isa pa sa maipagmamalaki nating simbulo ng ating paka-Pilipino ay ang Panatang Makabayan. Naalala mo pa ba? Lagi itong binibigkas tuwing flag ceremony noong tayo ay nasa elementary at high school pa. Baka sakaling hindi mo na maalala, eto na...
PANATANG MAKABAYAN Iniibig ko ang Pilipinas. Ito ang aking lupang sinilangan. Ito ang tahanan ng aking lahi. Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan, Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang. Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan. Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas. Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan. Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa.
"Ako si Mervin, ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino"

4 comments :

  1. I don't get it why other singers had to belt out Lupang Hinirang when singing it?

    I know it's shameful but I didn't know there's an araw ng watawat day until today.

    ReplyDelete
  2. na-miss ko tuloy bigla ang kahabaan ng cavite. tuwing sasapit ang "araw ng watawat", nilalagyan nila ng flag design ang lahat ng poste.

    ReplyDelete
  3. ako hindi aware na araw ng watawat kung hindi dahil sa post na to

    ReplyDelete
  4. may national flag day pala :))

    BTW, random bloghopping. exchange links? just give me a heads up back at my blog. thanks!

    ReplyDelete

Looking for Budget Travel Guide Blogs, Hotel Reviews, and Sample DIY Itineraries?
Welcome to Pinoy Adventurista, "Your Next Ultimate Adventure Starts Here!"

Pinoy Adventurista is one of the Top Travel Blogs in the Philippines and the World. In 2013, he visited all the 81 provinces in the Philippines.