ABOUT CONTACT PRIVACY POLICY THE PHL CHALLENGE                               
    

ads_banners

Autosweep and Easytrip RFID's Frequently Asked Questions (FAQs from DOTr Philippines)

How to Apply for RFID STICKER for NLEX, SLEX, CAVITEX, CALAX, STAR Tollway, TPLEX and More!

Huhulihin ba kung walang RFID?
May expiration ba ang load ng Autosweep at Easytrip RFID?
Saan pwedeng magreklamo?
At marami pang iba!


Hi adventuristas! Today, I'll be sharing to you some Frequently Asked Questions (FAQs) on Easytrip and Autosweep RFIDs. These are from the Facebook post of the Department of Transportation (DOTr) of the Philippines.

But first, let's discuss the difference between Autosweep RFID and Easytrip RFID and where you could use them.

The Autosweep RFID sticker tags are issued by the San Miguel Infrastructure which can be used when traveling in the following expressways:
  • South Luzon Expressway (SLEx)
  • Skyway
  • Southern Tagalog Arterial Road (STAR Toll)
  • Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx)
  • NAIA Expressway (NAIAx)
  • Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX)

Meanwhile, the Easytrip RFID sticker tags are issued by Metro Pacific Tollway Corporation (MPTC) which covers the following expressways:
ALSO READ: Where to get Autosweep and Easytrip RFID after the December 1, 2020 deadline?
How to Apply for RFID STICKER for NLEX, SLEX, CAVITEX, CALAX, STAR Tollway, TPLEX and More!

RFID FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs) (from DOTr's Facebook Page)


WALANG RFID? NO NEED TO WORRY! Narito ang mga Frequently Asked Questions (FAQs) patungkol sa Cashless Transaction sa Tollways at sa pag-install ng RFID Tag, na maaari ninyong maging gabay.

FAQ #1. Hanggang December 1 na lang po ba ang pagkakabit ng RFID sa mga sasakyan?


Hindi po. Ang December 1 ay deadline para sa mga toll operators na makapag-implement ng 100% cashless transactions sa mga toll roads.

Ang pagkakabit po ng RFID stickers ay magpapatuloy kahit matapos ang December 2020, lalo na para sa mga first time toll users at mga bagong sasakyan.

ALSO READ: Where to get AUTOSWEEP and EASYTRIP RFID Stickers after the December 1, 2020 Deadline?


FAQ #2. Paano at saan pwedeng magpakabit ng RFID sticker?


May iba’t-ibang proseso po upang makabitan ng RFID stickers. Narito ang mga sumusunod:
  • Magpa-book ng RFID sticker appointment online at magtungo sa installation site sa schedule na nakalaan para sa’yo
  • Mag-walk in sa mga installation sites na hindi covered ng online appointment system
  • Magpa-schedule ng off-site RFID sticker installation sa inyong area (*upon request po ito at subject sa availability ng schedule)
  • Magpa-install ng RFID sticker sa appropriate lane sa toll gate, o sa installation site/tent malapit sa toll booths

ALSO READ: These AUTOSWEEP RFID Installation Sites will now allow "Walk-Ins" starting November 23, 2020!


FAQ #3. Marami po ang nagpa-panic dahil puno na ang online appointment schedule para sa RFID installation. Makakapasok ba ako sa toll gate kahit wala akong RFID sticker on December 1?


Kung puno na ang slots sa online appointment systems para sa RFID installation, NO NEED TO PANIC. Kung wala kang RFID by December 1, DOON KA MISMO SA TOLL GATE KAKABITAN. May nakaabang na RFID installation lanes ang mga toll gates, at may mga tauhan po ang toll operators na mag-aasist sa pagkabit ng RFID stickers.

Kung kinakailangan, handang i-convert bilang RFID stickering lane ang lahat ng toll lanes simula December 1.

Ibig sabihin, kung ikaw ay isang motorista na walang pang RFID at dumaan ka sa toll gate sa December 1, saan ka man pumila, kakabitan pa rin ang sasakyan mo ng RFID sticker. Kung hindi man sa mismong toll gate, kakabitan ka ng RFID sticker sa installation site/tent bago o pagkalagpas ng toll gate.

Simula December 1 hanggang January 11, magiging 24/7 ang kabitan ng RFID sa lahat ng mga toll lanes o mga booths malapit sa mga toll gates.


FAQ #4. Magkakaroon po ba ng hulihan sa mga toll gates simula December 1 kung wala kang RFID?


Wala pong mangyayaring hulihan mula December 1 hanggang January 11, 2021 para sa mga sasakyang walang RFID.

Matapos ang January 11, hindi na lahat ng lanes sa toll gate ay iko-convert bilang stickering lane. Magtatalaga na lamang ng isa o dalawang stickering lane, o kaya naman isang installation tent bago pumasok sa toll gate kung saan maaaring kabitan ng RFID ang mga sasakyan.

Dagdag pa rito, maglalagay ang mga toll operator ng malalaking signages sa mga stickering lanes, upang malaman ng mga motoristang wala pang RFID na doon sila dapat na pumila. Maaari silang ma-tiketan kung sila ay pipila sa mga RFID ONLY lane, lalo na kung sila ay magdudulot ng abala sa ma sasakyang nasa likuran nila.


FAQ #5. Para sa mga taong mula sa malalayong probinsya o ‘yung mga hindi lagi dumadaan sa expressway, kailangan din ba naming magpakabit ng RFID?


Lahat ng dadaan sa expressways ay kinakailangang magpa-install ng RFID. Kung ikaw au mula sa malayong probinsya, maaari kang magpakabit ng RFID kung kailan mo kakailangang dumaan sa expressway. May mga stickering lane pa rin po na maaaring daanan ng mga motorista kahit lampas na sa transition phase sa January 11.


FAQ #6. Anong mangyayari kung insufficient ang load at dumaan sa expressway? Hindi ba padadaanin?


Habang nasa transition period mula December 1 hanggang January 11, papayagan pa rin po na itaas ang barrier kung insufficient ang load balance mo. Maaaring doon ka load-an sa mismong toll booth o kaya naman ay palampasin ka, patabibin, at load-an ka ng tao ng toll operator gamit ang top-up loading device. May mga tao ang toll operator na may hawak na top-up device sa toll area.


FAQ #7. May expiration po ba ang load ng RFID?


Walang pong expiration ang load sa inyong RFID.


FAQ #8. Saan pwedeng tumawag kung may reklamo sa RFID sticker, load, o process?


Kung may concern o katanungan ukol sa RFID installation, maaaring tumawag o magtanong sa mga sumusunod na numero at contact details:

Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC)
  • Phone 8-555-7575 and 1-35000
  • Email: customer_service@nlex.com.ph / support@easytrip.ph
  • Facebook DM: NLEX Corp. / Easytrip Services Corp. / easytripph

San Miguel Corporation
  • Autosweep: (02) 5-318-8655 (TOLL)
  • Website: autosweeprfid.com

Toll Regulatory Board (TRB)
  • Landline. 02 8631-5901
  • Smart: 0919-560-9527
  • Globe: 0915-163-6468

Narito po ang mga dapat din nating tandaan:
  • Tatanggap po ng tawag ang TRB mula 8:00AM - 5:00PM tuwing Monday hanggang Friday.
  • Kung ikaw naman ay Smart o Globe Subscriber, maari kang mag-text o mag-message bago mag-8:00AM at lagpas ng 5:00PM.
  • Maaari ring ilapit ang iyong concern sa official Facebook page or Twitter account ng TRB, or maaari ring mag-email sa records@trb.gov.ph


FAQ #9. Kung matapos ang transition period at may isang sasakyan pa rin na pumilit dumaan sa RFID ONLY LANE kahit wala itong RFID sticker, ano ang maaaring maging traffic violation dito?


Maaari itong ma-ticketan ng Disregarding Traffic Sign o Obstruction, depende kung may ibang mga sasakyan itong naabala sa likuran.

Pinaaalalahan ang mga motorista na matapos ang transition period sa January 11, magtatalaga na lamang ng specific RFID stickering lane o kaya naman RFID installation site malapit sa mga toll booth upang doon makabitan ng RFID ang nga sasakyan.


FAQ #10. May plano ba ang DOTr na pag-isahin na lang ang RFID na ginagamit sa mga toll?


Ito ay ongoing project na ng DOTr simula pa 2017. Ito ay tinatawag na “Toll Interoperability” Project, kung saan bahagi ng unang phase ay ang implementasyon ng 100% cashless transactions sa mga toll roads.

Mayroon itong tatlong (3) phases:
  • Phase 1 – Implementation of Cashless payments
  • Phase 2 – One RFID and two wallets (the single RFID will be readable both on north and south expressways, but you still need to maintain two wallets, meaning you have to purchase load for each toll system)
  • Phase 3 – One RFID and one wallet

Tandaan po sana natin na ang pagpapatupad ng cashless transaction ay isinusulong, lalo na ngayong panahon ng pandemya, upang mabawasan ang banta ng virus transmission sa pagitan ng mga tellers at motorista.

Also check out my Youtube videos on Easytrip and Autosweep RFIDs (Installation, Online Appointment, Balance Inquiry, Reloading and More!) - PLEASE WATCH HERE.


Please don't forget to SUBSCRIBE! :)




FOLLOW MY ADVENTURES ON YOUTUBE @PinoyAdventurista


Thank You For Sharing!


SHARE this on Facebook SHARE this on Twitter



15 comments :

  1. Magandang umaga, tanong ko lang po, may schedule na kasi ako sa NLEX Balintawak for installation ng Easytrip sa isa kong sasakyan, pag dating ko ba doon pwede akong bumili ng isa pang RFID ng Easytrip para sa isa ko pang sasakyan then DIY na lang ang installation? para hindi na din uli ako bumalik sa installation site. Salamat po sa inyong tugon. Mabuhay po kayo!

    ReplyDelete
  2. Hi,ask lang po, pwede po bang malaman kung saan tollgate ginamit ang rfid? saan website pweding makita? Thanks..

    ReplyDelete
  3. Paano po kung multiple vehicles, like sa company vehicles, need ko sana mamonitor ang 8 vehicles sa isang email add lng under sa name ko, paano un sa mobile apps?

    ReplyDelete
  4. Paano Kung kinulang ang load at dumaan sa RFID Lane may violation ba yon?

    ReplyDelete
  5. Good Morning po....pwede po bang dumaan sa expressway na walang RFID ang jeep. From Maynila to Batangas..thank you po sa pagtugon.

    ReplyDelete
  6. Good Morning po....meron po bang way para sa mga sasakyan ( Jeep ) na walang RFID from Maynila to Batangas

    ReplyDelete
  7. Hello good day..is there any chance po na refund ang rfid or easy trip pag mali ang account?thanks (paymaya po ang gamit)

    ReplyDelete
  8. Pwede po bang orefund Yung load NG rfid

    ReplyDelete
  9. Pwede po bang mag refund Ng load Ng rfid

    ReplyDelete
  10. ask lang po pag nag palaod ka sa loading station sa reloading sa expressway mag matatanggap ka po ba resibo galing sa cashier?

    ReplyDelete
  11. Hi po paano malalaman saan toll ang dinaanan ng my rfid car?

    ReplyDelete
  12. halo po pwede po ba ma refund ung load nga RFID ID CARD TO CASH?

    ReplyDelete
  13. Gud pm po marerefund po ba kung di pumasok ung pinaload thru gcash

    ReplyDelete
  14. Hello. Paano po ilipat yung lumang rfid ng 1st owner sa new owner? 2nd hand po nabili yung unit. Thanks

    ReplyDelete
  15. Hello, walang hiningi sa akin noong nagpainstall ako ng Autosweep RFID pero may hinihingi during online account, ano po pwede gawin?

    ReplyDelete

Looking for Budget Travel Guide Blogs, Hotel Reviews, and Sample DIY Itineraries?
Welcome to Pinoy Adventurista, "Your Next Ultimate Adventure Starts Here!"

Pinoy Adventurista is one of the Top Travel Blogs in the Philippines and the World. In 2013, he visited all the 81 provinces in the Philippines.